Trabahong Kasambahay Sa China na May Sweldong P100,000, PEKE!


Naglabasasan ang usap usapan na di umanoy may trabahong naghihintay sa China para sa mga Kasambahay at ang sweldo ay nasa 100,000 pesos. Pero nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na bawal mag-recruit ang Tsina ng mga Pinoy bilang household service worker (HSW) o kasambahay dahil wala pang job order para rito. Ibig sabihin ang mga naglabasang balita na may trabaho sa China bilang Kasambahay ay PEKE.


Babala ng POEA na walang job order para sa mga kasambahay na papuntang China.

Ayon sa POEA, ang mga household service worker ay walang babayarang placement fee dahil ang employer ang magbabayad. Kung sakali mang naniningil ang isang manpower agency, ireklamo agad ito sa POEA dahil lumalabag sila sa patakaran.

Mayroon namang Job order para sa China ngunit para lamang sa mga teacher at call center agent.

Comments

Most Views Posts

Under-Graduate, Pwedeng Mag-aral ng LIBRE sa TESDA Online Program

How to Enroll in Alternative Learning System (ALS)?

Mga Benepisyo ng Senior Citizen: Discount at Libre