Paano mag-Claim ng Premyo sa PCSO LOTTO?


Ikaw ba ang isa sa mga maswerteng nakakuha ng Grand Price sa PCSO Daily Lotto? O kaya'y tataya ka palang at gusto mong malaman kung paano makukuha ang iyong premyo kapag ikaw ang manalo? Kung gayon, ituturo ko kung paano mag-claim sa PCSO.


PAALALA: Kung nanalo ka ng Jackpot prize, wag na wag mong ipagsasabi. I-tsistmis mo nalang kapag sigurado ka nang nakuha at nai-bangko mo na ang pera. Baka pag-interesan at nakawin sayo ang ticket. Magpasama rin sa mga taong mapagkakatiwalaan kung kukubra.


How to Claim PCSO LOTTO Prizes?

  • Siguraduhing isulat at pirmahan agad ang iyong winning ticket bago kumubra. Para masiguro mong ikaw lang ang makakakuha sa premyo.
  • Ang mga nanalo ng P20 up to P5,000 ay maaaring kunin sa outlet na pinagtayahan o kaya'y sa mga PCSO Provincial District Office na malapit sa inyong lugar.
  • Ang mga nanalo naman ng higit sa P5,000 up to P200,000 ay maaring mag-claim sa kahit saang PCSO Provincial District Office o kaya's sa PCSO Main Office sa Pasay City.
  • Sa maswerte namang makakakuha sa mga JACKPOT Price ay maaring kumubra sa PCSO Main Office, PICC Secretariat Bldg, CCP Complex, 1307 Roxas Blvd., Pasay City.
  • Magdala ng mga Valid ID, mas marami mas maganda. Example (UMID ID, Postal Card, Voters ID, Passport) 


    Tumatanggap din kami ng balato! :)

    Comments

    Most Views Posts

    Under-Graduate, Pwedeng Mag-aral ng LIBRE sa TESDA Online Program

    How to Enroll in Alternative Learning System (ALS)?