Mga Benepisyo ng Senior Citizen: Discount at Libre


Sa ibang bansa, ang mga matatanda o Senior Citizen ay dinadala sa mga "Home for the Elderly". Ito ay isang lugar na puro Senior Citizen ang nakatira. Malungkot ang matatanda dito dahil hindi nila kaano-ano mag-aalaga sa kanila. Pero dito sa Pilipinas, ugali na ng mga Pilipino ang kupkupin ang kanilang mga Magulang kapag sila ay matanda na. Isa ito sa pinakamagandang ugali ng mga Pinoy.

Ang mga Senior Citizen ay wala ng kakayahang makapagtrabaho dahil ang katawan nila'y hihina, lalabo na ang mata, hirap naring makarinig at maaring maging makakalimutin na rin sila. Dahil sa mga yan, ang ating Gobyerno ay gumawa ng mga batas na nagbibigay ng mga pribilehiyo at benepisyo para sa kanila.

Narito ang mga benefits and privileges para sa mga Pinoy Senior Citizen:

Walang babayarang buwis

Exempted ang mga Senior Citizen na kumikita ng minimum wage sa pagbabayad ng individual income tax.

Training fee exemption 

Libreng training sa mga programa ng ating gobyerno at pribadong eskwelahan na sakop ng DTI, DOLE, DA, TESDA, at DOST-TRC.

Discount sa Bayad ng Tubig at Kuryente 

Maaring makakuha ng 5% discount sa tubig na hindi tataas sa 30 cubic meters ang bill at sa kuryenteng hindi tatas sa 100 kilowatt hour. Samakatuwid, kung ang monthly consumption mo ay lumampas sa 100 kWh at 30 m', hindi ka makaka-avail ng discount. Ang mga bill din dapat ay nakapangalan sa Senior Citizen para magamit ang discount.

Free medical and dental services


Libreng serbisyong medical at dental sa mga government facilities.

Free vaccinations


Libreng bakuna para sa influenza virus at pneumococcal disease para sa mga pasyenteng indigent senior citizen.

20 % Discount

Mayroong 20% discount ang mga Senior Citizen sa mga gamot, medical equipment, proffesional fees ng mga Physician at sa mga lisensyadong health workers.

Kahit sa mga sasakyan ay may diskwento din tulad ng mga Jeep, Taxi, MRT, LRT, PNR at maging sa mga sasakyang panghimpapawid at pandagat.

20% discount din sa Hotels, restaurant, sinehan at maging sa funeral at burial expenses.

Government Assistance
Ang mga Indigent ay makakatanggap ng 500 pesos na magagamit pambili ng gamot.

Lahat ng Senior ay automatic ng maging myembro ng national health insurance program of PhilHealth.

Mabibigyan ng 2,000 pesos na tulong ang gobyerno kapag ang Senior ay namatay.

Magagamit lang ang mga nabanggit na serbisyo at diskwento kung ang Senior Citizen ay may Senior Citizens’ Identification Card.

source: Philippine Government

Comments

Most Views Posts

Under-Graduate, Pwedeng Mag-aral ng LIBRE sa TESDA Online Program

How to Enroll in Alternative Learning System (ALS)?

Mga Trabaho sa New Zealand Para sa Pinoy 2018