Why Some OFWs Return Home Without Savings?
Bakit nga ba maraming Overseas Filipino worker (OFW) ang walang ipon at patuloy paring nangingibang bansa para magtrabaho?
Ayon sa Social Enterprise Development Partnerships Inc., 8 out of 10 OFW ang walang ipon pagbalik ng Pilipinas. Biruin mo, kahit gaano pa kalaki ang sweldo mo sa ibang bansa eh kulang parin, dahil yan sa hindi mo alam kung paano i-manage ito.
1. Over Spending
Unang-una dyan ang pagiging maluho, bili ng bili ng mga gamit na hindi naman kailangan.
Kung bibili ka ng gamit, siguraduhin mong kailangan mo, hindi yung bibili ka lang para may maipagyabang. Alamin mo dapat ang Wants at Needs mo.
In addition, huwag bibili ng mga mamahaling brand na gamit tulad ng bag, sapatos, gadget.
2. Bread-Winner o Sandalan ng Angkan
Hindi ko naman sinasabing mali ang pagiging bread winner ng pamilya, pero isipin mo din ang iyong sarili.
Kung magpapadala man sa Pilipinas, huwag ibigay ang buong sweldo sa pamilya. Sabihin at ipaintindi sa kanila na hindi madaling kumita ng pera at kailangan mong mag-ipon para hindi ka na mangibang bansa pagkatapos ng iyong kontrata.
3. Walang alam sa Pag-iipon
Maraming OFW ang gustong mag-ipon subalit hindi alam ang tamang strategy ng pag-iipon.
EMERGENCY FUND
Ang emergency fund ay pwede mong gamitin kung ikaw ay nagkasakit o kayay biglaang pagkawala ng trabaho. MAraming OFW ang walang emergency fund kaya kapag may emergency na naganap, hihiram sa mga katrabaho at kamag-anak o kaya'y magsasanla ng bahay at lupa. Yan ang isang dahilan kung bakit marami sa atin ang lubog sa utang.
RETIREMENT FUND
Hindi habang buhay na magiging OFW ka, sabi nga nila "Walang Forever". Lahat ng tao ay tatanda at hindi na makakapagtrabaho. Kung walang trabaho, walang pera kaya dapat mong paghandaan ito. Kailangan mong magtabi para pagtanda mo ay hindi ka umaasa sa mga kamag-anak.
Comments
Post a Comment